Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

NCR virus low risk na bago mag-Nov

0 110

Naniniwala ang OCTA Research Group na maika-klasipika bilang low risk sa COVID-19 ang National Capital Region (NCR) sa katapusan ng Oktubre.

Sinabi ni OCTA Research Group Fellow Dr. Guido David, ito ay base sa criteria na ginagamit ng kanilang grupo.

Ayon kay David nitong Linggo na nag-peak na ang virus cases sa NCR at nakakapagtala na lang ng seven-day average na 2,000.

Wala na rin silang nakikitang variant of concern na nagbabanta kaya’t sa tingin nila ay magtutuluy-tuloy na ang pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 hanggang sa panahon ng Pasko.

Matatandaan na sinabi ng Department of Health na naobserbahan na nila ang pagbaba ng mga naitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa rehiyon nitong nakalipas na linggo. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.