Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

NCR puwede na uli sa GCQ

0 583

Posible nang ibalik sa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila pagkatapos ng August 18, ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, chairman ng National Task Force on COVID-19.

“Yeah, I think the trend is going down. Yesterday mga 3,000 na lang ‘yung bagong kaso down from 6,000 previously,” pahayag ni Lorenzana sa panayam ng ABS-CBN News Channel.

“I think we are ready to go down, we cannot continue with the MECQ kasi nga alam na natin nasaan ‘yung areas na may infection. ‘Yun lang ang tutukan natin so that the others can also go to work,” dagdag niya.

Base sa datos ng Department of Health, higit kumulang sa 130, 000 na ang kaso ng Covid-19 sa Pilipinas.

Sinabi pa ni Lorenzana na nakikipagkoordina sila sa mga local government units para pag-usapan kung bakit tumataas ang Covid-19 sa ibang lugar.

“We are going around towns, pumunta kami sa Laguna last week, about two days later we went to Pateros. We are consulting with the local officials kung ano ang nangyayari, bakit tumataas ‘yung kanilang kaso,” sinabi ni Lorenzana.

Nakalagay sa modified enhance community quarantine ang National Capital Region, kasama ang mga lalawigan ng Cavite, Bulacan, Laguna, at Rizal hanggang Agosto 18. (Kiko Cueto)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.