Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

NCR mayor aprub na lumabas mga bata, senior

0 123

Mula sa kasalukuyang 21 hanggang 60 anyos na limit sa mga pwedeng lumabas sa general community quarantine (GCQ) area, balak imungkahi ng Metro Manila Council (MMC) na gawin itong mula 18 hanggang 65 anyos.

“Kasi ngayon po, ‘yung ating persons to go out, ang edad nun is 21 to 60. Ang aming recommendation is baka pwedeng gawing 18 to 65 na po ‘yung mga tao na pwedeng lumabas ng kanilang tahanan,” wika ni MMC chair at Paranaque City Mayor Edwin Olivarez sa Teleradyo.

Dahil dito, sinabi ni Olivarez na dapat pag-isipan ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) na magbukas ng mga public utility vehicle para mas maraming pasaherong mapasakay.

Samantala, exempted pa rin aniya sa curfew ang mga manggagawa at iba pang authorized persons outside of residence. (Riley Cea)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.