Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

NCR matibay na sa Delta variant kinontra

0 206

Mahirap pa umanong sabihin na magiging matatag na laban sa COVID-19 Delta variant ang National Capital Region (NCR) sa mga susunod na buwan.

Ito ang inihayag ni Philippine Genome Center (PGC) Executive Director Dr. Cynthia Saloma, matapos ang pahayag ng OCTA Research Group.

Sa kabila umano na ang vaccination ang susi para maprotektahan ang mga tao laban sa bagong COVID-19 variants, ang pagsunod pa rin sa health protocols ay importante para makaiwas sa variants. “Whether or not we are Delta resilient, mahirap po magsabi ng ganyan,” ayon kay Saloma sa isang briefing.

Ang reaksiyon ay ginawa ni Saloma matapos sabihin ng OCTA na magiging matatag na ang NCR laban sa Delta variants dahil sa patuloy na vaccination rollout ng gobyerno.

Nabatid na may 19 na kaso ng Delta variants ang naitala sa bansa. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.