Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

NCR lockdown mas mahigpit sa MECQ

0 555

Mas mahigpit na lockdown protocol ang ipatutupad ng gobyerno sakaling isailalim ang National Capital Region (NCR) sa modified enhanced community quarantine (MECQ) pagsapit ng Agosto, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Kaugnay na rin ito ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Metro Manila.

Babala pa ni Roque, sa panayam sa telebisyon nitong Biyernes, ipagbabawal na mag-operate ang ilang sektor at limitado lamang ang biyahe ng public utility transport para lahat ng tao manatili sa bahay.

Ibabalik din aniya ang quarantine pass.

Ayon kay Roque, gagawin ito kung kinakailangan batay sa datos ng mga kaso ng COVID-19.

Mula noong June 1 ay nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila. (Prince Golez)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.