Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

NCR level 1 hanggang June 15

0 68

MANANATILI sa alert level 1 ang status ng National Capital Region hanggang Hunyo 15, 2022.

Ito ang inanunsiyo ng Malacañang kaugnay sa napagkasunduan sa pulong ng Inter-Agency Task Force nitong Huwebes.

Nasa alert level 1 din ang ibang mga lugar sa bansa, partikular ang mga lalawigan ng Abra, Apayao, Kalinga, Mountain province, Baguio City, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan at Dagupan city.

Alert level 1 din ang Batanes, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino at Santiago City sa Region II.

Pareho rin ang alert status 1 sa mga lalawigan sa Central Luzon gaya ng Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Zambales, Angeles City at Olongapo City.

Alert level 1 din sa Calabarzon Area partikular sa mga lugar ng Lucena, Batangas, Laguna, Cavite at Rizal; MIMAROPA gaya ng Marinduque, Oriental Mindoro, Romblon at Puerto Princesa City; Bicol region – Albay, Catanduanes, at Naga City.

Sa Western Visayas, nasa alert level 1 ang mga sumusunod na lugar: Aklan, Capiz, Guimaras, Iloilo, Bacolod City at Iloilo City.

Sa Central Visayas, nasa alert level 1 ang mga sumusunod: Siquijor, Cebu City, Lapu-Lapu City, Mandaue City; habang sa Eastern Visayas ay Biliran, Eastern Samar, Southern Leyte, Ormoc City at Tacloban City.

Alert level 1 din sa Zamboanga City, Bukidnon, Camiguin, Misamis Occidental, Misamis Oriental, Cagayan de Oro City, Iligan City, Davao Oriental, Davao City, Surigao del Sur at Butuan City.

Sa ilalim ng alert level 1 ay pinapayagan ang intrazonal at interzonal na biyahe para sa lahat ng edad.

Bukas din ang lahat ng mga establisimyento at pagpasok ng lahat ng mga manggagawa, full on site capacity basta sumunod lamang sa ipinaiiral na public minimum health standards. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.