Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

NCR kasado sa alert level 4! Mga resto, simbahan bukas sa 30% capacity

0 13

Inihayag ng Department of Health (DOH) na nasa ilalim ng alert level 4 ang National Capital Region (NCR) sa unang Linggo ng pilot implementation ng COVID-19 alert level system.

Ipinaliwanag ng DOH na inilagay ang NCR sa alert level 4 dahil ito ay kasalukuyang nasa high-risk case classification habang ang intensive care utilization ay nasa high risk classification rin sa ngayon.

“NCR is currently at high risk case classification as it maintains a moderate risk two-week growth rate (TWGR) and high risk average daily attack rate (ADAR). The ADAR increased from 30.44 in the previous weeks to 39.09 per 100,000 population in the recent week. Additionally, NCR has a high-risk intensive care utilization rate at 77.5% while bed utilization is near high-risk classification at 69.5%,” ayon kay DOH spokesperson Usec. Maria Rosario Vergeire.

Ayon kay Vergeire, sa panahon na ang NCR ay nasa ilalim ng alert level 4, dapat magpatupad ng aktibong case finding, risk-based testing gamit ang RT-PCR, at pabilisin ang vaccination lalo na sa mga high risk.

Nabatid na paiigitingin rin ang pagpapatupad ng granular lockdown mula sa barangay hanggang sa household level para mapigil ang transmisyon ng virus.

Hinikayat ni Vergeire ang publiko na ipagpatuloy sa pagsunod sa minimum public health standards at patuloy na sundin ang 3 Cs, iwasan ang crowded places at closed-contact, at iwasan ang closed spaces na may poor ventilation.”

Sa ilalim ng alert level 4 ay papayagang lumabas lahat maliban sa below 18 at above 65-anyos, may sakit at buntis.

Al-fresco dine-in, 30% capacity, 10% naman sa dine-in na mga bakunado.

Mga salon at iba pang personal care services ay bukas sa 30% kapasidad.

Pinapayagan din ang 30% capacity sa religious gathering bakunado man o hindi. (Juliet de Loza-Cudia/Dolly Cabreza/Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.