Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

NCR, ilang lugar sa Luzon 7 araw walang kuryente

0 234

Magkakaroon ng pansamantalang power interruption sa ilang bahagi ng Metro Manila at mga kalapit nitong probinsya ngayong linggo, ayon sa Manila Electric Company (Meralco).

Kabilang sa mga apektado ay ang Sta. Rosa, Cabuyao City, Nagcarlan pawang sa Laguna ; Meycauyan, Calumpit sa Bulacan, General Trias City sa Cavite, Angono at Cainta sa Rizal.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Habang sa Metro Manila naman ay ilang lugar sa Quezon City, Manila, Caloocan City at Makati City.

Ang mga nasabing lugar ay apektado sa power interruption na magsisimula sa Oktubre 5 hanggang 12.

Ayon sa Meralco, ang dahilan ng naturang pansamantalang pagkawala ng kuryente ay ang maintenance work, facility relocation, at/o pole replacement na isasagawa sa iba’t ibang sulok ng Luzon.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.