Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

NCR bubuhusan ng COVID bakuna

0 87

MAGLALAAN ang gobyerno ng pinakamalaking bahagi ng supply ng coronavirus disease vaccine sa Natio­nal Capital Region (NCR), ang kinokonsiderang sentro ng pandemya sa bansa.

Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr., 130,000 dose ng coronavac mula sa Sinovac Biotech ng China ang ibibigay sa mga NCR ospital.

“So nakita po natin sa NCR, considering na iyong NCR mayroon tayong 17 highly urbanized na cities, mayroon po tayo na 130,000,” sabi ni Galvez kay Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa lingguhang cabinet brie­fing, Lunes ng gabi.

SM food to go Banner Ad

Ang alokasyon sa Metro Manila ay bahagi ng kabuuang 146,000 dose na ipamamahagi sa tatlong lugar kabilang ang Calabarzon at Baguio City.

Kabuuang 70,000 dose naman ang hahatiin sa limang rehiyon na Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Mimaropa at Bicol.

216,000 dose ang mapupunta sa Luzon; 26,000 dose sa Visayas at 24,000 dose sa Mindanao. (Issa Santiago)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.