Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

NCR balik-ECQ

0 42

ITINAAS sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila simula Agosto 6-20, 2021 dahil sa banta ng Delta COVID variant.

Ito ang inanunsiyo ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force.

Ayon kay Roque, simula kahapon, Biyernes, Hulyo 30 hanggang Agosto 5, 2021 ay nasa GCQ with heightened restriction ang National Capital Region.

Sinabi ni Roque na matinding debate ang ginawa subalit nangibabaw ang buhay at kaligtasan ng mga Pilipino.

“Hindi po naging madali ang desis­yon na ito. Maraming oras ang ginugol para pagdebatehan ang bagay na ito dahil binabalanse natin ‘yung pagpapabagal ng COVID-19 dahil sa Delta variant, at ‘yung karapatang mabuhay at maiwasan, mabawasan ang hanay ng mga nagugutom,” ani Roque.

Epektibo ngayong Sabado, Hulyo 31, 2021 ay ipagbabawal naang lahat ng dine-in at al fresco dining sa Metro Manila, at ang pupuwede lamang ay take-out services.

Sinabi ni Roque na bagama’t ilalagay sa ECQ ang Metro Manila simula sa susunod na linggo ay pinapayagang magbukas ang mga beauty salon, beauty parlor, barber shop at nail spa hanggang 30% ng venue o seating capacity.

Hanggang 30% venue capacity rin lamang ang papayagan sa outdoor tourist attraction, habang sa hanay ng transportasyon ang papayagang bumiyahe sa labas at loob ng NCR plus area kasama ang Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal ay authorized person outside residence o APOR.

Sinabi ni Roque na hindi kasama sa paghihigpit ang operasyon ng pampublikong transportasyon. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.