Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

NCR arangkada uli sa face-to-face class

0 237

Muling nagsimula ang limited face-to-face classes sa ilang paaralan sa National Capital Region kahapon.

Batay sa datos na inihayag ng Department of Education (DepEd) kamakailan, 304 na paaralan sa mga lugar na nasa alert level 1 o 2 ang kuwalipikadong magsimula ng face-to-face classes simula ngayong buwan.

Sa bilang na ito, 123 mga paaralan sa National Capital Region (NCR) ang nasuri at itinuring na handa na ipagpatuloy ang limitadong face-to-face class.

Paglilinaw ng DepEd, kailangan lamang sumunod ng mga ito sa mga pamantayan ng School Safety Assessment Tool (SSAT).(Sherrylou Nemis)

Leave A Reply

Your email address will not be published.