Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

NCR, 9 probinsya pumapalo COVID

0 170

Patuloy ang pagtaas ng naitatalang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region at siyam pang probinsya sa bansa.

Ayon sa independent monitoring group na OCTA Research, nangunguna ang Cavite sa nakapagrehistro ng pinakamataas na positivity rate na umabot sa 13.2% nitong Hunyo 29.

Kasunod ang Lacuna na 8.8%, Pampanga 7.7%, Metro Manila 7.5%, Iloilo 6.9%, Batangas 6.6%, Benguet 6%, Bulacan, 4%, Cebu 3.5% at Davao del Sur 3.3%.

Ang mga nabanggit na lugar ay lumagpas na rin umano sa benchmark o sukatan ng World Health Organization (WHO) sa positivity rate mali sa mga lalawigan ng Bulacan, Cebu at Davao del Sur.

Nasa 5% ang benchmark positive rate ng WHO.

Samantala, noong Huwebes ay nakapagtala ang Pilipinas ng 1,309 na bagong kaso ng COVID sa buong bansa na pinakamataas na daily tally mula noong Pebrero 25. (Sherrylou Nemis)

Leave A Reply

Your email address will not be published.