Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

NCR 100% bakunado na

0 78

Ipinagmalaki ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na bakunado na ang 100% na target na populasyon sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay Abalos, kabilang ang mga lungsod sa Metro Manila sa hanay ng 23 mauunlad na siyudad sa bansa na umabot na sa mahigit 70% ang nakapagbakuna sa kanilang target population.

Pinuri rin ni Abalos ang COVID-19 response team dahil sa maagap at mahusay na pagtugon sa kasagsagan ng Delta variant kumpara sa ibang nga bansa na nakaranas umano ng kakapusan sa supply ng oxygen tank.

“If there’s one thing na ipagmamalaki ko, even right now, you compare the peak to peak, ‘yong peak natin at peak nila during Delta malayo. Magaling talaga ang ginawa ng team na ito,” ani Abalos sa idinaos na Bayanihan, Bakunahan kahapon. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.