Una sa Balita

nCoV nagpaatras sa mga Indian sa Manila BATC

0 252

NAGPASYA ang Indian Women’s Badminton Team na hindi sumali sa 2020 Badminton Asia Team Championships sa Rizal Memorial ­Coliseum sa Manila sa Pebrero 11-16 dahil sa takot sa ­panganib ng 2019 novel coronavirus.

Pero tuloy naman sa anim na araw na ­hampasan ang India Men’s Team base rin sa ­pahayag nito noong Biyernes.

“Unforeseen health hazard apprehension due to the Corona Virus outbreak has resulted in ­withdrawal of the women’s team for the ­upcoming Badminton Asian Championships, which is starting from Feb 11-16, 2020 in Manila, Philippines,” bigkas ni Badminton ­Association of India (BAI) general secretary Ajay Kumar ­Singhania.

Ang desisyon ng BAI ay napinalisa dahil sa lumalalang nakamamatay na karamdaman ­partikular sa women team at kanilang pamilya.

“BAI had reached out to the concerned ­authorities in Badminton Asia (BA) for assurances regarding the current situation and necessary health advisory and precautionary measures taken,” dugtong niya. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More