Una sa Balita

NCAA update: LPU balakid sa SBC

By
0 3

Hindi pa nakatungtong sa semifinals ng NCAA ang Lyceum of the Philippines University, katunayan hanggang sixth place lang ang kanilang narating mula nang sumali sa liga, anim na taon na ang nakakaraan.

Subalit sa ipinakita nilang tikas sa Preseason, markado ang Pirates na isa sa mga teams na hahadlang sa back-to-back title-seeking San Beda College sa pagbubukas ng Season 93 men’s basketball tournament sa July 8 sa Mall of Asia Arena, Pasay City.

Tumersero ang Lyceum sa katatapos na Premier Cup na pinagkamp­eonan ng Red Lions na tinalo ang reigning UAAP champion La Salle sa finals.

Muntik sumampa ang Pirates sa championship round, kinapos lang sila sa Green Archers sa semis.

Ipinagmamalaki ng LPU ang bagong miyembro ng team na sina CJ Perez, transferee mula Ateneo at kambal Jayvee at Jaycee Marcelino na ga­ling Adamson.

Swak ang tatlo sa sistema ni Lyceum coach Topex Robinson na run-and-gun at kahit maliit ang lineup ay naniniwala itong lalaban sila nang sabayan.

“We all know we’re one of the smallest teams because we only have one legitimate big man in Mike Harry (Nzeusseu),” saad ni Robinson. “But we have a system that puts premium on speed and aggressiveness to neutralize our size disadvantage.”

Dahil lumipat si Joseph Gabayni sa Arellano, nakaatang kay Nzeusseu ang naiwan na trabaho ng dating kakampi.

May tira na rin sa labas si Nzeusseu, bumabato na ito sa three-point.

“I told him he needed to expand his range because at his size (6-6), he can’t be a big man outside the Philippines. I’m glad he listened to me and start practicing taking those outside shots,” patungkol ni Robinson kay Nzeusseu.