Una sa Balita

NCAA: Tankou, Nelle vs Muyang, Batiller

0 203

Standings W L
San Beda 4 0
CSB 4 0
Letran 5 1
LPU 5 1
SSC-R 2 3
Perpetual 2 4
JRU 3 4
Arellano 1 4
EAC 1 5
Mapua 0 5

Mga laro ngayon:
(Cuneta Astrodome)
2:00pm — San Beda vs Letran
4:00pm — Mapua vs Arellano

MAGANDA ang inilalaro nina Donald Tankoua at Evan Nelle kaya naman nasa unahan ang defending champion San Beda University Red Lions sa team standings ng 95th NCAA men’s basketball tournament.

Kasalo ng Mendiola-based squad Red Lions ang College of Saint Benilde Blazers sa top spot kapit ang parehong 4-0 record kaya pakay­ nilang masolo ang unahan pagharap nila sa Letran Knights sa alas-2:00 ng hapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Bukod kina Tankoua at Nelle, nagpapakitang-gilas din si Calvin John Oftana.

“I’m happy for the boys,” saad ni San Beda head coach Boyet Fernan­dez.

Dalawang beses na kansela ang laro ng Red Lions dahil sa bagyo kaya inaasahang handa na nilang ibaon ang kanilang mga pangil.

Matapos matisod sa unang laro ngayong season, tumuhog ng limang sunod na panalo ang Knights upang sumalo sa third spot kasama ang Lyceum of the Philippine Pirates tangan ang magkatulad na 5-1 card.

Ibabangga ng Letran sina Larry Muyang at Bonbon Batiller para masilo ang six-game winning streak.

Samantala, magkakaldagan ang Mapua Cardinals at Arellano University sa alas-4:00 ng hapon. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy