Una sa Balita

NCAA: SAINTS VS HEROES

By
0 7

Mga laro ngayon:
(Filoil Arena, San Juan City)
2 p.m. — NCAA All-Star Side Events
4 p.m. — NCAA All-Star Game

Pasisibatin ngayong araw ang pang-apat na NCAA All-Star Game sa Filoil Flying V Center sa San Juan City na pangu­ngunahan ng mga tiga­sing players na sina CJ Perez ng Lyceum of the Philippines University, San Beda cagers Robert Bolick at Javee Mocon, Rey Nambatac ng Letran at Kent Salado ng Arellano University.

Sa tatlong editions, East at West ang naglaban pero maiiba ngayon dahil Saints na may Saint-based na pangalan at Heroes o mga eskuwelahan na ipi­nangalan sa mga bayani ng Pilipinas.

Sina Perez at Salado ang ibabandera ng Heroes kung saan si LPU Topex Robinson ang magiging coach habang sina Bolick, Mocon at Nambatac ang gagabay sa Saints at si Boyet Fernandez ng San Beda ang kanilang mentor sa event na magsisimula ng alas-kuwatro ng hapon.

Ang ibang miyembro ng  Heroes ay sina Lervin Flores at Allen Enriquez ng Arellano U, Sydney Onwubere, Francis Munsayac at Jerome­ Garcia ng Emilio­ Aguinaldo, Teytey Teodoro, John Ervin Grospe at Jed Mendoza­ ng Jose Rizal University,­ Mer Ayaay at Mike Nzeusseu ng LPU at  Laurenz Victoria, Christian Bunag at JB Ratflores ng Mapua.

Kasali sa Saints sina Bong Quinto at JP Calvo ng Letran, JJ Domingo, Gerald Castor at Edward Dixon ng College of Saint Benilde, Davon Potts ng SBC, Alvin Baetiong at Ian Valdez ng San Sebastian at Prince Eze, JG Ylagan at Gab Dangangon ng Perpetual Help.

Sasabak si Cameroonian swing man Arnaud Noah ng San Beda sa slam dunk upang maibalik sa kanya ang titulo, isa sa mahigpit na makakatapat ay si Flores ng Arellano.

Idedepensa naman ni AC Soberano ang kanyang titulo sa three-point shooting, kasali rin ang last year’s runner­ up Wilson Baltazar ng LPU, RK Ilagan ng San ­Sebastian at ­Onwubere ng EAC.