Una sa Balita

NCAA POW si Eze ng Altas

By
0 138

NADUNGISAN ang malinis na karta ng Lyceum of the Philippines matapos akbayan ni Prince Eze ang Perpetual Help sa 83-81 panalo sa 94th NCAA basketball tournament.

Paubos na ang oras ng barakuhin ni Altas center Eze ang Pirates upang isalpak buzzer-beating putback at ilista ang 7-5 karta.

Dahil sa ipinakitang tikas ni Eze, hinirang siyang Chooks-to-Go/NCAA Press Corps Player of the Week.

“I know it’s possible. I know it’s possible!” sigaw ni Eze habang pumapasok sa press room para sa post-win interview.

Kumana si Nigerian reinforcement ng 25 points, 23 rebounds at dalawang blocks para tulungan ang Altas na ipalasap sa Pirates ang unang talo sa 13 laro.

“Big game by Eze of course. He has MVP stats again,” ani Perpetual Help head coach Frankie Lim.

Para kay Lim, isa rin sa naging dahilan ng kanilang panalo ay ang depensa, nilimitahan nila ang Lyceum sa 13 puntos sa fourth quarter.

“They really delivered and sabi ko nga sa pre-game ko, ‘I want to see u guys on attack mode,’ And that’s what exactly happened,” wika ni Lim.