Una sa Balita

NCAA: Pirates steady sa 14

By
0 3

Wala pa ring makaawat sa Lyceum Pirates.

Muling ibinaon ng mga taga-Intramuros ang Emilio Aguinaldo College, 86-74, para lumapit na sa elimination sweep ng 93rd NCAA basketball tournament sa FilOil Flying V Centre sa San Juan kahapon.

Kinubra ng Pirates ang pang-14 na panalo sa gayunding dami ng laro, steady sa liga na parang gamay na gamay ang mga kalaban.

Si MJ Ayaay naman ang bumida sa Lyceum kahapon sa nilistang 15 points at nine rebounds. Umayuda si Jaymar Perez ng 13 markers, may 11 pa si Jaycee Parker.

Apat na ‘W’ pa ay wawalisin ng Pirates ang elims at didiretso sa finals na armado ng dambuhalang thrice-to-beat advantage.

Sunod na asignatura ng tropa ni coach Topex Robinson ang San Sebastian (Sept. 29), Letran (Oct. 6), JRU (Oct. 13) at defending champion San Beda (Oct. 19).