Una sa Balita

NCAA: Perpetual panalo rin Layup ni Villapando nagligtas sa Baste

0 156

MATATAG sa endgame ang San Sebastian College Stags matapos silang akbayan nina RK Ilagan at Allyn Bulanadi sa 102-101 overtime win laban sa Letran Knights sa 95th NCAA basketball tournament kahapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Nalusaw ang 17-point lead at anim na players ng San Sebastian ay na-fouled out pero hindi nasira ang kanilang diskarte at nagawa pa ring itakas ang manipis na panalo.

Tumikada si Ilagan ng 22 points para sa Stags na wala ang head coach na si Egay Macaraya dahil sa one-game suspension.

Habang papaubos ang oras, sinalpak ni Kenneth Villapando ang panelyong puntos mula sa pasa ni Bulanadi para ilista ang 3-3 karta ng Stags.

Samantala, tinuldukan ng Perpetual Help Altas ang two-game skid matapos kalusin ang Emilio Aguinaldo College Generals, 88-87, sa pangalawang laro.

Nagtala si Tonton Peralta ng 19 points upang tulu-ngan ang Altas na ilista ang 3-5 karta, kasalo nila ang Mapua Cardinals at Jose Rizal University Heavy Bombers sa sixth place.

Nalasap naman ng Gene-rals ang pangpitong talo sa walong salang. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy