Una sa Balita

NCAA: Peralta, Altas palalamigin ang Blazers

0 232

Mga laro ngayon:
(FilOil Flying V Centre)
12:00nn — Letran vs. JRU
2:00pm — Mapua vs. San Sebastian
4:00pm — Perpetual vs. CSB

UNAHAN sa two-game winning streak ang Perpe­tual Help Altas at College of Saint Benilde Blazers pagharap nila sa 95th NCAA basketball tournament sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Tangan ang tig 1-0 record, magbabanatan ang Altas at Blazers sa alas-kuwatro nang hapon, ang mananalo ay sasaluhan sa top spot ang defending champion San Beda University Red Lions.

Bawas ang bangis ng Altas dahil wala na sa line-up nila si Most Valuable Player (MVP) Prince Eze subalit impresibo pa rin ang panalo nila sa kanilang unang laro.

Kaya naman muling kakapitan ni Perpetual head coach Frankie Lim sina Tonton Peralta, Ben Adamos at Edgar Charcos upang makuha ang back-to-back wins.
“It’s a show of character para sa amin, sabi ko sa kanila, wala tayong star, we need team effort,” pahayag ni Lim.

Nagtala si Peralta ng 20 points sa panalo ng Altas sa Mapua Cardinals, 80-78 habang bumakas sina playmaker Charcos at Adamos ng tig-16 at walong puntos, ayon sa pagkakasunod. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy