Una sa Balita

NCAA: Oftana, Canlas mabangis sa San Beda

0 134

DUMELIBER sa opensa sina Calvin Oftana at James Canlas upang bitbitin ang defending champion San Beda University Red Lions sa kanilang pangalawang sunod na panalo sa 95th NCAA basketball tournament kahapon sa FilOil Flying V Centre sa san Juan City.

Kumayod sina Canlas at Oftana ng tig-17 markers para tulungan ang Red Lions na lapain ang 74-52 panalo kontra Jose Rizal University Heavy Bombers.

Nagpakitang-gilas din para sa Mendiola-based squad si Evan Nelle matapos magtala ng limang puntos at 14 assists.

“We thought na ‘yung 11 assists niya sa halftime ay magiging record-breaking na, but we missed shots nung second half,” patungkol ni head coach Boyet Fernandez kay Nelle.

Samantala, nakabangon agad mula sa pagkakadapa ang Letran Knights matapos tuhugin ang 81-72 pa­nalo kontra host Arellano University Chiefs.

Kumana si Jerrick Ba­lanza ng 31 puntos para sa Knights na may 1-1 karta habang nalasap ng Chiefs ang back-to-back losses. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy