Una sa Balita

NCAA: Letran Knights kakapit sa No. 3 spot

0 333

Mga laro ngayon:

(FilOil Flying V Centre)

2:00pm — Letran vs EAC

4:00pm — San Beda vs Lyceum

PAKAY ng Letran Knights na palakasin ang kapit sa No. 3 spot kaya naman sasandalan nila sina Jerick Balanza at Christian Balagasay pagharap nila sa laglag nang Emilio Aguinaldo College (EAC) Generals sa 95th NCAA men’s basketball tournament sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Nagtala sina Balanza at Balagasay ng tig-18 points nang talunin nila ang Perpetual Help Altas, 88-69, sa kanilang huling laro noong October 11.

Tangan ang 11-6 karta, nakasisiguro na ang Knights sa semifinals pero kailangan pa rin nilang ikahon ang three-game winning streak upang baunin nila ito sa susunod na phase.

“Good win at least ‘yung team nag-peak na going to Final Four. Sana magtuluy-tuloy pa,” saad ni Letran head coach Bonnie Tan.

Haharapin ng Knights ang Generals sa alas-2 ng hapon.

May kartang 4-13 ang Emilio Aguinaldo kaya wala nang saysay sa kanila ang laban.

Solo sa tuktok ang defending champion San Beda University Red Lions na malinis sa 17 laro habang nasa second spot ang last year’s runner up Lyceum of the Philippine na may 13-4 record.

Samantala, magkatapat sa pangalawang laro sa alas-4 ng hapon ang Red Lions at Pirates. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy