Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

NCAA inawat mga ensayo

0 194

ITINIGIL muna ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) ang scrimmages sa Metro Manila based school matapos itaas ang Alert Level 3 dulot ng pagdami ng kaso ng COVID.

Ang nasabing hakbang ay ayon kay Arellano University management committee representative Peter Cayco, base sa ipinalabas na joint memorandum circular ng Commission on Higher Education (CHED) at Department of Health (DOH) kung saan pansamantala nilang inawat ang mga aksiyon.

Maari lang anilang matuloy muli ang scrimmages depende sa ilalabas na resolusyon ng CHED at DOH. “We are guided by the JMC issued by CHED and DOH,” saad ni Cayco. “Under said JMC, no scrummages, much more games, shall be allowed.”

Nakatakda sanang simulan ang Season 97 volleyball at basketball tournament ngayong Pebrero. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.