Una sa Balita

NCAA chess crown target ng Perpetual

0 183

TARGET ng University of Perpetual Help System DALTA ang second straight juniors title habang ang Altas at ang Arellano University Chiefs ay pag-aagawan ang seniors crown sa NCAA Season 95 chess tournament Sabado sa San Beda University sa Mendiola, Manila.

Mamumuno sa UPHSD junior woodpushers si International Master Eric Labog, Jr. kasama sina Ronald Cañino, Chris Aldritz Pondoyo, Christian James Aquino, Jerome Aragones, Aaron Noblijas at Darlyn Villanueva kontra Braves sa ala-una ng hapon.

Haharapin naman ng seniors Altas Chess Team ang Chiefs sa alas-3.

Nais ng Perpetual Help na iuwi ang dalawang korona sa Tony Tamayo-owned school sa Las Piñas. (Aivan U. Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy