Una sa Balita

NCAA: Charcos, Razon pambala ng Perpetual

0 185

MAGSISIMULA na ang kampanya ng University of Perpetual Help System Dalta Altas sa 95th season ng NCAA men’s basketball ngayong Martes kontra Mapua University Cardinals.

Haharapin ng Las Pinas-based squad ang tropa mula Intramuros alas-dos nang hapon sa The Arena sa San Juan sa pangunguna ng veteran mentor at coach Frankie Lim, na nasa ikalawang taon bilang coach ng Altas.

Si Lim ang nagbitbit sa Perpetual sa Final Four noong Season 94, pero bigo itong maklusot sa finals nang pabagsakin ng San Beda, at natulungan din nito ang tropa na maiposte ang 11-7 win-loss record nito sa double round eliminations.

Sa pagkawala ni Season 94 MVP Prince Eze, AJ Coronel At Rom Mangalino, sasandalan ni Lim si Edgar Charcos, sophomore na si Jielo Razon at mga small forward na sina Kim Aurin at Tonton Peralta.

Habang masisilayan naman ang mga bagong dagdag na sina Ben Adamos, power forward na sina Lean Martel at Lele Guissani maging sina Jeff Egan, Ramlee Lanoy at Mario Barasi, Jr.

“We need to win this match to boost morale sa mga bata ko, and start our campaign in high note,” sabi ni Lim. (Fergus Josue, Jr.)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy