Una sa Balita

NCAA: Beda, San Sebastian kinaldag ang mga karibal

0 225

BUMABANGIS pang lalo si Calvin Oftana, nagtala ng career-high 27 points upang akbayan ang three-peat champion San Beda University Red Lions sa 88-57 panalo kontra College of Saint Benilde Blazers sa 95th NCAA basketball tournament kahapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Nakatuwang ni Oftana sina James Canlas at AC Soberano sa opensa upang ilista ang malinis na walong panalo ng Mendiola-based squad San Beda.

Kumana si Soberano ng 14 puntos habang bumakas si Canlas ng 11 markers, pitong rebounds at apat na assists.

Maagang ipinaramdam ng Red Lions ang kanilang lakas nang manakmal sina Oftana at Canlas ng pinagsamang 11 punots sa first quarter.

“Sa totoo lang I’m really worried about this game. It was a tough game versus LPU and laro agad nang Friday. Come to think of it. CSB has been playing well,” kuwento ni San Beda head coach Boyet Fernandez.

Umabot sa 31 ang nilamang ng Red Lions kaya nalasap ng Blazers ang pangalawang talo sa pitong laro.

“I’m happy that my players are starting to play well, and there are players who are solid coming off the bench,“ ani Fernandez.

Namuno sa opensa para sa CSB si Justin Gutang na nagtala ng 10 points, pitong assists at limang rebounds.

Samantala, nirehistro ng San Sebastian College Stags ang back-to-back wins matapos nilang kawawain ang Perpetual Help Altas, 107-90, sa pangalawang laro.

Tumikada si Allyn Bulanadi 31 points at siyam na rebounds para sa Stags na tangan ang 4-3 card, may 18 ang kinana ni Alvin Capobres. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy