Una sa Balita

NCAA: Araña matagal matetengga sa foot injury

0 520

Ang laban ng host team Arellano Chiefs kontra San Sebastian Stags Martes ng hapon, Oktubre 15, ang posibleng huling laro ni Justin Araña sa NCAA Season 95 men’s basketball tournament matapos magtamo ng injury sa kanyang kaliwang paa.

Sa kainitan ng third quarter ay lumundag si Araña upang kunin ang defensive rebound para sa Chiefs ngunit sa kasamaang-palad ay hindi naging maganda ang pagbagsak nito sa court.

“Kasi ‘yung pag-rebound ko, nakuha ko na ‘yung bola then naramdaman ko na lang pagbagsak ko kasi galing sa talon e. Pagbagsak ko ayun na ganito na,” ani Justin.

“Sakto naka-apak ako ng paa then naramdaman ko pumantay sa ganito ko ‘yung ano, as in talaga nakatagilid talaga ‘yun paa ko kaya sobrang sakit talaga hindi ko magalaw.”

Tiniyak naman ni Arellano head coach Cholo Martin na ipapahinga na niya si Justin lalo na’t hindi biro ang kanyang naitamong injury.

“Wala na. Malabo na. Magang-maga. Bago maka-recover yan baka mga 2 weeks to 1 month.”

Hindi naman ito ang huling tsansa ni Justin na magpakitang gilas sa liga dahil may isa pa siyang taon para makapaglaro sa Arellano sa susunod na season. (Aivan U. Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy