NCAA: 2ND WIN IBUBULSA NG EAC; SAN BEDA BABALIKWAS

By

Team Standings W L
LPU                    2 0
EAC                    1 0
San Beda           1 1
San Sebastian   1 1
Arellano U          1 1
Mapua                1 1
Jose Rizal          1 1
St. Benilde         1 1
Letran                0 1
Perpetual Help  0 2

Mga laro ngayon:
8 a.m.- Letran vs EAC (jrs)
10 a.m.- San Beda vs CSB (jrs)
12 nn.- Letran vs EAC (srs)
2 p.m.- San Beda vs CSB (srs)
4 p.m.- AU vs Jose Rizal (srs)
6 p.m.- AU vs Jose Rizal (jrs)

Pakay ng Emilio Agui­naldo College na sumalo sa unahan ng team standings habang nais ng defending champion San Beda na bumangon mula sa pagkakadapa sa 93rd NCAA basketball tournament.

Kapit ang 1-0 karta, haharapin ng Generals ang Letran sa alas-dose ng tanghali sa Filoil Arena sa Pasay City habang makakatapat ng Red Lions ang College of Saint Benilde sa pangalawang laro, (2 p.m.) ng seniors division.

Nagtala ng double-double performances sina Cameroonian Hamadou Laminou at team captain Sydney Onwubere upang kalusin ng Emilio Aguinaldo ang Blazers, 74-64 noong Biyernes.

Sakaling manalo ang Generals sa Knights, sasalo sila sa Lyceum of The Philippines na binu­laga ang San Beda, 96-91 noong Biyernes.

Nagtala ang 6-foot-10 Laminou ng 21 points, 13 rebounds at pitong blocks habang may 11 markers, 14 boards, apat na assists at tatlong steals si  Onwubere sa kanilang panalo.

“We will rely on them the whole season and I ­expect them to come up big again,” patungkol ni EAC coach Ariel Sison kina Laminou at Onwubere.

Magbabalatan sa third game ang Arellano University at Jose Rizal sa alas-kuwatro.

Kasama ang Chiefs, Heavy Bombers, Blazers at Red Lions sa six-way tie sa third place na may tig 1-1 records.


Ang iba ay Mapua at San Sebastian.

SHARE