Una sa Balita

NBP inutil, death penalty ipasa na

0 320

KAILANGAN nang maipasa ang death penalty sa bansa dahil tila wala ng silbi ang New Bilibid Prison (NBP).

Ayon kay ACT-CIS Rep. Eric Yap, mistulang ginagawang resort at bakasyunan na ang bilibid ng mga convicted sa heinous crime at mga drug lord.

Dismayado si Cong. Yap sa mga nabubunyag na kalokohan sa loob ng NBP sa patuloy na pagdinig ng Senado hinggil sa good conduct time allowance (GCTA).

“Saan ka makikita ng isang pambansang piitan na may 24-oras na gambling, prostitusyon, alak at iba pang anomalya. Imbes na magdusa ang mga big time na preso ay tila nagbabakasyon lang sa loob ng piitan” sabi ni Cong. Yap.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy