Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

NBI,BIR pinakilos: J&T Express yari kay Duterte

0 515

Pinaiimbestigahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang courier service na J&T express matapos makatanggap ng mga reklamo at hindi pagiging magandang serbisyo ng kompanya.

Sa kanyang mensahe sa bayan nitong Martes ng gabi, sinabi ng Pangulo na inatasan na niya ang National Bureau of Investigation (NBI), Philippine National Police -Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) para imbestigahan ang mga reklamong nawawala umanong padala, o kaya ay pinalitan umano ang laman ng package.

Pinasisilip na rin ng Pangulo sa Bureau of Internal Revenue (BIR) kung nagbabayad ba ng tamang buwis ang nabanggit na kumpanya.

“Because of so many complaints I will close you down. Sigurado yan sasarhan talaga kita whether you like it or not after the CIDG and the NBI would finish their investigation and would point a liability sa inyo,” anang Pangulo.

Hinikayat ni Pangulong Duterte ang mga may problema sa J&T express na magsampa ng reklamo sa himpilan ng pulisya at kapag may mapatunayang may kalokohan ang kompanya ay ipapasara niya ito at magsasampa ng kaso.(Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.