Una sa Balita

NBI tutok sa viral nude photo ni Yulo

0 1,493

KASALUKUYANG tinututukan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang posibleng pagsasampa ng kaso kontra sa nagpakalat ng mga malisyosong litrato ni World Gymnastics champion at Southeast Asian Games gold medalist na si Carlos Edriel ‘Caloy’ Yulo.

Ito ang napag-alaman sa Philippine Sports Commission (PSC) na nagpaliwanag na dapat mismong maprotektahan ang lahat ng mga pambansang atleta sa mga nakakabulabog at nakakadismayang publisidad at hindi nakakatulong sa inaasam na personal na tagumpay ng atleta at bansa.

Isa na dito ang kaso ni Yulo, na nagawang makapagkuwalipika ilang buwan pa lamang ang nakalipas sa gaganapin na 2020 Tokyo Olympics sa pagwawagi ng gintong medalya sa World Championships, na ikinalat ang mga litrato na nakalabas ang mga bahagi ng katawan. (Lito Oredo)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More