Una sa Balita

NBI, NFA bigo sa tagong bigas sa Nueva Ecija

By
0 221

BIGO na makakita ng itinatagong bigas ang composite team ng National Bureau of Investigation (NBI) at National Food Authority (NFA) sa isinagawang biglaang inspeksiyon sa pribadong kamalig ng bigas sa Nueva Ecija nitong Lunes.

Nabatid ng Abante mula kay Pedro Roque, Jr., chief ng NBI-Cabanatuan District Office (NBI-Cabdo), na random inspection ang isinagawa sa bayan ng San Leonardo at Science City of Muñoz.

Ayon kay Victor Del Rosario II, miller sa San Leonardo, aabot ang kanilang stock sa 7,000 sako ng bigas na malayo sa kapasidad ng kanilang warehouse na may aabot sa 100,000.

Ipinaliwanag ni Genoveva Villar, provincial manager ng NFA-Nueva Ecija, na sa kanilang imbentaryo aabot sa 1.4 milyong sako ng bigas ang nasa commercial traders, at tinatayang 600,000 ang nasa mga magsasaka at 17,000 naman ang nasa warehouse ng NFA.

Sa kabuuang 2.1 milyon ang imbentaryo ay tatagal ng 120 araw, batay sa arawang konsumo na 15,200 sako para sa buong Nueva Ecija. (Jojo de Guzman)