Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

NBI kakalkalin cellphone ng mga suspek sa Dacera case

0 308

Susuriin ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) digital forensic team ang data sa mga cellphone ng mga persons of interest kaugnay ng kontrobersyal na pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.

Pahayag ito ni Justice Secretary Menardo Guevarra matapos na rin ang isinasagawang forensic examination sa labi ng 23-anyos na dalaga.

Nabatid kay Guevarra na magsasagawa na ang forensic team ng eksaminasyon sa mga mobile phone ng mga suspek para matukoy ang mga naging pag-uusap sa pagitan ni Dacera at POI bago ito natagouang patay.

Nauna nang isinailalim sa polygraph test o ‘lie-detector test’ ang 12 sa POI upang magkaroon na ng linaw ang imbestigasyon ng NBI.

Nabatid na isa sa tinitingnang anggulo sa pagkamatay ni Dacera ay `party drug.’ (Juliet de Loza-Cudia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.