Una sa Balita

NBA: SPURS, WARRIORS TABLA NA

0 139

SAN ANTONIO, Texas (AFP) — Bina­lewala ni Kawhi Leo­nard ang pagkakalog ng kanyang utak para maka­iskor pa rin ng 31 points upang itumba ng San ­Antonio Spurs ang ­Atlanta Hawks at samahan sa tuktok ang Golde­n State Warriors­ sa 71st NBA 2016-2017 Western Conference standings, Martes ­(Manila time) sa AT&T Center dito.

Nakabunggo ni Leo­nard si Oklahoma City Thunder guard Victor Oladipo noong Huwebes at pinakita ang kawalang bisa ng kanyang pagbagsak sa pagbalikat sa Spurs sa 107-99 victory sa Hawks.

Nagkaloob ng tagumpay sa San Antonio sa identical 52-14 record sa Western Conference pace-setters Golden State, na tumaob sa Philadelphia 76ers sa huling salang.

Inagapayan pa si Leo­nard ng all-round sco­ring ng Spurs teammates kung saan nagsipukol ng double figure points sina ­David Lee, Danny Green, Patty Mills at Pau Gasol.

Nagkontribyut pa si Leonard ng five rebounds at four assists sa pagsarg­o ng Spurs sa back-to-back wins pagkaraang pugutan ang kulang sa taong Golden­ State noong Sabado.

Para sa Atlanta, namuno sa puntusan si Dennis Schroder na naka-22, ­bumakas si Tim Hardaway ng 17 points at may 16 si Paul Millsap.

Nalagay ang Spurs sa panganib sa ilang ­senaryo patunay na nagkaroon ng season-high 23 turnovers sa kanilang hindi parehas na performance.

“All teams make mistakes — nobody plays a perfect game,” pagdepens­a ni Spurs coach Gregg Popovich­. “But overall, I was pleased with our defense, given the fact that we turned it over 23 times and still held Atlant­a ­below 100 points. I’m ­really pleased that we continued to guard and hustle the way we did ­despite being sloppy with the ball.”

Sinabi naman ni Leonard na nakabawi na siya mula sa reklamo niya sa pagkahilo at nanlalabong paningin sa parteng bahagi ng kaliwang mata.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More