Una sa Balita

NBA: QUADRUPLE OT

0 164

ATLANTA, Georgia (AFP) — Nasalisihan ng Atlanta Hawks ang New York Knicks sa hindi inaasahang epikong NBA game, Lunes (Manila time), kung saan itinakas ang 142-139 panalo matapos ang apat na overtime na tumagal ng halos apat na oras.

“That was fun. I don’t want to do that again ever, but it was fun,” lahad ni Paul Millsap, na ang 37 points kasama ang go-ahead basket sa fourth extra period, ang umakay sa Hawks para balewalain ang 45 points ni Carmelo Anthony.

Nagdagdag pa si Millsap ng 19 rebounds at se­ven assists sa 60.07 mi­nutes na pagsalang at determinadong huwag na sanang sumalang.

“I’ve never played 60 minutes of basketball,” wika pa niya.

Bibihira ang apat na OT games sa NBA.

Ang Hawks ay nagwagi minsan laban sa Utah noong 2012, pero ang Knicks ay nakaranas na rin ng apat na overtime noong Enero 1951 at talo rin sa Rochester Royals.

Apat na Knicks pla­yers ang na-fouled out, kasama na si Anthony.

Ang put-back basket ni Millsap ay nagbigay sa Atlanta ng 141-139 lead sa huling 27.4 seconds.

Matapos ang dalawang free throws ni Hawks’ Dennis Schroder sa hu­ling 10.2 seconds, mintis ang dalawang 3-pointers ni New York’s Courtney Lee sa final eight seconds.

Samantala, tinapos na rin ng Dallas Mavericks ang pagiging bokya sa kamay ng San Antonio sapul noong Nobyembre 26, 2010, nang maitakas ang 105-101 win sa Texas.

Ang Mavericks ay 12 sunod ng natatalo sa San Antonio.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More