Una sa Balita

NBA player nakadate ni KC, muntik mamatay sa aksidente

0 575

PAALAM basketball.

Ganito ang posibleng mangyari sa NBA career ni Atlanta Hawks forward Chandler Parsons matapos madamay sa isang car accident noong isang linggo.

Si Parsons ay minsan nang naka-date ng anak ni Mega Star Sharon Cuneta na si KC Concepcion taong 2013 nang dumalaw sa bansa ang nasabing player bilang bahagi ng NBA Global Games.

Ayon sa report, si Parsons ay nagkaroon ng “severe and permanent injuries including a traumatic brain injury, disc herniation and torn labrum.”

Nagda-drive na pauwi ng bahay niya si Parsons mula sa team practice noong Enero 15 nang masalpok ang kanyang kotse sa Brookhaven ng isang motoris­tang aminadong ­nakainom.

Hindi na nagpatakbo sa ospital si Parsons matapos ang aksidente at piniling madala na lang sa kanilang practice facility kahit pa nagtamo ito ng back, neck at head injury.

Naging item taong 2013 sina Parsons at KC dahil inakala ng mga netizen na mag-dyowa ang dalawa.

Kinalaunan, nilinaw ng dalawa na isa lamang itong friendly group ­dinner date at walang romansang namamagitan sa kanila. (AE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More