NBA: Pacers’ George lilipat sa Lakers?


Pinabatid ni All-Star forward Paul George sa Indiana Pacers ang plano niyang maging free agent sa summer 2018, layasan ang franchise – at malamang tumawid sa Los Angeles Lakers, pagbubunyag ng source sa liga sa The Vertical.

Walang hiniling na trade si George bago siya makakawala sa 2018-19 contract, pero taha­san niyang pinarating sa pamamagitan ng kanyang agent na si Aaron Mintz sa bagong Indiana basketball operations president Kevin Pritchard ang kanyang balak.

Sa nakalipas na 24 oras, naging agresibo si Pritchard sa paghaha­nap ng trade kay George. Malamig si Pritchard na makipagkasundo sa La­kers, pero nakikipag-­usap sa ilang teams gaya ng Cleveland – na inaasahan ng mga teams na isang taon na lang magagamit si George.

Pero ayaw pumasok ng Cavaliers sa anumang batang players at future picks na maaring ihirit ng Indiana bilang kapalit ni George at hindi naman nababanggit ni George na ang Cavs ang isa sa nakakaintriga niyang ma­ging destinasyon.

Malabo pa nga lang kung makakatanggap ang Indiana nang desenteng kapalit, pati ang gusto ni George lagakang La­kers. Nais ng Indiana nang tamang package ng ta­lent at draft picks para kay George. Tuloy din hirit ng impormante ang usap pa hanggang sa Huwebes na NBA Draft — o higit pa.

Pwedeng pumirma si George ng four-year deal worth $130 million sa Los Angeles next year. Tubo siyang Southern California at ang paglalaro sa Lakers mangangahulugang homecoming ito para sa kanya.

Nais pa ring maglaro talaga ni George sa 2017-18 season sa Indiana, pero nais niya ring bigyan ng pagkakataon ang organi­sasyon na makapagplano na para sa kinabukasan nito – na giniit ni George sa team na hindi na siya kasama, panapos ng informant.

SHARE