Una sa Balita

NBA: ‘Melo trade talks nakatengga pa

0 2

Nasa stalemate pa rin ang usapan ng New York Knicks at Houston Rockets hinggil sa napapa­balitang pagti-trade kay Carmelo Anthony, ayon sa report ni Marc Berman ng New York Post.

Hindi pa umuusad ang usapan, samantalang si ‘Melo ay nakatakdang magkaroon ng ilang public appearances kabilang ang ihu-host niyang The Basketball Tournament sa Baltimore, ang month-long event na nasa final four na.

Ayon sa ilang sources, gustong i-waive ni Anthony ang no-trade clause sa kanyang kontrata para makatawid ng Rockets mula Knicks.

Mariing nanindigan ang Knicks management na hindi nila iti-trade sa Houston si Anthony kung wala silang makukuhang solidong deal para sa future ng Knicks.

Pinapirma ng Knicks si veteran point guard Ramon Sessions dahil, ayon sa source ng The Post, mas maganda ang shooting nito kumpara kay Anthony, at si Kristaps Porzingis kumpara kay Derrick Rose na lumipat na ng Cleveland via free agency.