Una sa Balita

NBA lugi ng $400M sa tampururot ng China

0 447

AABOT sa $400 million ang malulugi sa National Basketball Association (NBA) matapos maghimutok ang bansang China sa liga dahil sa tweet ng general manager ng Houston Rockets na si Daryl Moyer noong Oktubre.

“I think that the magnitude of the loss will be in the hundreds of millions of dollars,” pag-amin ni NBA Commissioner Adam Silver.

Aniya’y hindi bababa­ sa halagang $400 million ang nalugi sa kanila matapos ang isyu noong Oktubre

“Certainly, probably less than $400 million, maybe even less than that.”
Nag-ugat ang galit ng China matapos mag-tweet si Morey kung saan lantaran nitong sinusuportahan ang mga pro-democracy protester sa Hong Kong.

“Fight for Freedom.­ Stand With Hong Kong,” tweet noong Oktubre ni Morey.
Bunga nito ay tinigil na sa pinakamalaking TV network sa bansang China ang pag-eere ng mga exhibition game at iba pang laro ng NBA sa bansa. (Aivan ­Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More