Una sa Balita

NBA Lottery: Pelicans unang pipili

0 318

SINUWERTE ang New Orleans Pelicans sa NBA lottery, siguro ay dahil sa lucky tie ni vice president of basketball operations David Griffin, angel pin ng kanyang lola, at winning combination ng ping-poing balls na 7-4-12-13 Martes nang gabi sa Chicago.

Ang kurbata ay galing kay Cleveland executive Jeff Cohen, ginamit niya sa tatlong lottery wins ng Cavaliers, at giniit ni Griffin na gagamitin niya ngayong taon. da­ting nagtrabaho sa Cavs si Griffin.

Dehado ang Pelicans pero nanalo sa NBA draft lottery at hawak ang right sa first pick overall sa susunod na buwan.

Pinakamatunog na top pick ngayong taon si da­ting Duke star Zion Williamson, malamang hindi palalagpasin ng New Orleans. Kapag nakuha si Williamson, malamang na hindi na pakawalan ng Pelicans si Anthony Davis.

Si Davis ang player na kinuha ng New Orleans nang manalo din sa lottery noong 2012. Si Davis din ang player na hayagang humingi ng trade noong January.

Katiting na 6% lang ang tsansa ng New Orleans na manalo sa lottery.
“I don’t believe the universe makes mistakes,” diin ni Griffin. “I just think we have something special going on.”

Pangalawang pick ang Memphis, sunod ang New York at Los Angeles La­kers. Liyamadong manalo sa lottery ang Knicks, Phoenix at Cleveland na pare-parehong may 14% chance, pero walang nakakuha sa top-two.

Sunod na pipili ang Cavaliers, Suns, Chicago at Atlanta. No. 9 pick ang Washington, Hawks ulit sa 10, susundan ng Charlotte, Miami at Boston. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy