Una sa Balita

NBA | Kalbaryo ng Cavs pinahaba ng Pacers

0 59

Nagkaroon na ng team meeting ang Cleveland Cavaliers pagkatapos ng tatlong sunod na talo, pero mukhang walang nangyari. 

CLEVELAND, OH - NOVEMBER 1: LeBron James #23 of the Cleveland Cavaliers shoots the ball against the Indiana Pacers on November 1, 2017 at Quicken Loans Arena in Cleveland, Ohio. (AFP)
CLEVELAND, OH – NOVEMBER 1: LeBron James #23 of the Cleveland Cavaliers shoots the ball against the Indiana Pacers on November 1, 2017 at Quicken Loans Arena in Cleveland, Ohio. (AFP)

Sa pang-apat na kabit, sadsad muli ang Cavs 124-107 sa dumayong Indiana Pacers naman nitong Miyerkoles ng gabi.

Tumabo si LeBron James ng 33 points at 11 assists, pero hindi nagawang pigilin ang pagka­baon ng Cleveland sa 3-5. 

Lamang pa ang Cavs 68-69 sa third nang magpaulan ng apat na sunod na 3s ang Indiana para kumalas. 

Tumikada ng 16 for 26 sa labas ng arc ang Pacers. 

Umiskor si Thaddeus Young ng 26, may 25 pa si Darren Collison sa Indiana. 

Noong Linggo ay tinambakan ng New York ng 19 points ang Cavaliers. 

Bago nagpraktis noong Martes ay nag-meeting muna ang Cavs para hanapan ng solus­yon ang losing streak. 

“All teams are playing well right now. We’re not. That’s just a simple fact,” diin ni James, may eight turnovers pa. Umayuda ng 19 points si Derrick Rose, tumapos ng 13 points at 13 rebounds si Kevin Love para sa Cleveland.