LeBron triple-double; na-surpass si Kobe sa 3rd place

NBA: GREAT COMEBACK NG CAVS


INDIANAPOLIS, Indiana (AFP) — Binitbit ni LeBron James ang second half assault nang magbaon ang Cleveland Cavaliers ng playoff record sa pag-ahon mula 25-point halftime deficit upang maitumba pa ang Indiana Pacers 119-114 Huwebes (Manila time) sa Bankers Life Fieldhouse rito.

Tinimunan ni James sa hinarabas na 41 points, 13 rebounds at 12 assists ang Cavaliers na naitatak na ang 3-0 lead sa kanilang 71st NBA best of seven Eas­tern Conference first-round series.

Nalubog ang Cavaliers sa 25 points sa halftime at nang 26 pa sa isang tagpo sa contest. Sila ang naging first playoff team sa league history na bumura ng 25-point halftime deficit at wagi pa.

Nilampasan pa ni James si Kobe Bryant sa number three sa league’s career playoff scoring list at tinablahan ang isa pang NBA record na nanalo ng 20th consecutive first-round game.

Dineliber ni James ang 28 second-half points nang bisigin ang ballgame sa fourth quarter sa harap ng 18,100 crowd.

“They came out and jumped on us in the first half, but when we came into the locker room at halftime, I told the guys, ‘Let’s just get a couple of stops and see what happens,’” bulalas ni James.

“Then we took the ball right at them and got back in the game. We got some great play from our guys off the bench,” hirit niya.

Ang 26-point comeback ang pumarehas din sa third largest sa league playoff history at largest din sapul noong 2012, nang makabalik pa ang Los Angeles Clippers buhat sa 27-point deficit para mailigpit ang Memphis Grizzlies.

Umiskor ang Cavaliers ng 70 points laban sa 40 ng Pacers sa second half. May 13 points each sina Kevin Love, J.R. Smith, Kyrie Irving at Channing Frye sa panig pa rin ng Cleveland samantalang  nagbakas pa si Kyle Korver ng 12.


SHARE