Una sa Balita

NBA game isasara sa mga miron

0 351

PINAGHAHANDA na ng NBA ang 30 koponan na posibleng maglaro ang mga ito sa stadium na walang nanonood na mga fan.

Base sa pinadalang memo ng liga sa ulat ni Shams Charania ng The Athletic, kanila nang pinag-iisipan na sakaling kailanganin ay hindi magpapapasok ng fan sa mga venue, at pipiliin lang din ang staff na kailangan sa laro.

“The NBA has sent a memo to its franchises explaining that, due to coronavirus outbreak, teams should be preparing to play games without fans in attendance and identifying ‘essential staff’ present for these games — should it be necessary,” ayon kay Charania.

Posible ring magkansela ng mga laro ang NBA depende sa magiging takbo ng coronavirus outbreak sa Amerika.

Hindi lang ang NBA ang nagpapatupad ng measure para maprotektahan ang kanilang mga manlalaro at staff sa pangamba ng COVID-19.

Ang Chinese Basketball Association ay nagkansela ng kanilang season na magsisimula sana noong Pebrero.

Sa Italy naman ay nangyayari ang kanilang mga sporting event na walang mga fan na nanonood.

Nahaharap din sa dagok ang 2020 Tokyo Olympics na posibleng makansela dahil sa pagdami ng kaso ng coronavirus sa Japan.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More