Una sa Balita

NBA dinemanda ng nagluluksang ina

By
0 1,224

Nahaharap ang NBA organization sa isang legal battle nang magdemanda ang ina ng namayapang NBA G-League player na si Zeke Upshaw na lumupaypay sa gitna ng laro noong Marso 24, 2018.

Maliban sa NBA, idinamay rin ni Jewel Upshaw ang Detroit Piston, ang affiliate ng koponan na Grand Rapids Drive kung saan naglaro ang kanyang anak.

Ayon sa abogado ni Mrs. Shaw, halata raw ang pagkukulang ng NBA sa sapat na paunang lunas na maaaring isa sa naging dahilan ng pagpanaw ng 26-anyos na basketbolista.

“Remarkably, for much longer than four full minutes, no cardio-pulmonary resuscitation (CPR) was initiated, no chest compressions were started, no oxygen mask was placed on his nose and mouth, no airway was cleared and secured, and no defibrillator sensors and electric delivery patches were attached and secured to Zeke’s chest,” ayon sa lawsuit na inihain ng pamilya ni Upshaw.

Bukas naman ang NBA sa nasabing mosyon at masusing pinag-aaralan ang kanilang susunod na hakbang ukol dito.