Una sa Balita

NBA: Bawal na ang praktis

0 409

IPINAGBAWAL na rin ng NBA ang ensayo kahit one-on-one.

Naglabas ng memo ang liga para sa teams na isara ang kani-kanilang practice at training facilities.

Unang binasag ni Tim Bontemps ng ESPN ang balita na kinumpirma ng The Associated Press.

Shut down ang nalalabi pang bahagi ng season dahil sa coronavirus, 10 players na ang sinasabing positibo.

May tatlong personnel o staff pa ang nadagdag sa listahan.

Bago ang memo, pinayagan ang players na mag-ensayo pero limitado.

Tinawag ito noon ng liga na “one player, one coach, one basket” rule.

Hindi na rin ‘yun puwede.

“The NBA sent out a memo Thursday afternoon stating that, starting Friday, All 30 NBA teams must close their practice and training facilities to players and staff until further notice,” ulat ng ESPN.

Kung gusto manatili sa kondisyon ng players, mag-work out sila sa kani-kanilang bahay.

Nag-update ng guidelines ang NBA dahil sa COVID-19 situation.

Sarado na rin ang mga public gyms tulad ng 24-Hour Fitness na may basketball court. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More