Una sa Balita

NBA babalik sa Hulyo 15

0 407

PATULOY na nanghuhula ang mga NBA fanatic kung kailan babalik ang aksyion sa 2019-2020 season.

Suntok sa buwan pa ayon sa mga komento ng mga fan pero may mga naglalabasan na ugong na ikakasa ito sa lalong madaling panahon.

May mga kumakalat na balita na sa Orlando at Disney World gaganapin ang natitirang laban ngayong season.

Maging ang eksaktong petsa ay may naglabasan na matapos mag-tweet si Brooklyn Nets guard Spencer Dinwiddie ng magpa-practice sila sa June para paghandaan ang laban sa July 15.

Tumugma ang tweet ni Dinwiddie sa ibang reports na naglabasan.

“Many around the league have been buzzing about the same rough timeframe described in this tweet … practices that would launch one month from now … with an NBA season resumption date in the July 15 range,” saad ni Marc Stein ng New York Times.

Subalit mananatiling haka-haka ang mga detalyeng naglabasan, hihintayin pa rin ang ilalabas ng NBA na desisyon. (Elech Dawa)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More