Una sa Balita

NBA All-Star Game: Team LeBron rematch sa Team Giannis

0 694

REMATCH ang All-Star Game sa Chicago sa Feb. 16 – Team LeBron vs. Team Giannis.

Sa ikalawang sunod na taon, sina LeBron James ng Lakers at Gia­nnis Antetokounmpo ng Bucks ang captains ng dalawang teams.

Sa Western Conference,­ kasama ni LeBron bilang starters sina teammate Anthony Davis, Kawhi Leonard ng Clippers, Luka Doncic ng Mavericks at James Harden ng Rockets.

Sa East, alipores ni Antetokounmpo sina Pascal Siakam ng Raptors, Joel Embiid ng 76ers, Trae Young ng Hawks at Kemba Walker ng Celtics.

Sina LeBron at Gia­nnis ang pipili ng rosters ng kani-kanilang teams sa Feb. 7 mula sa pool – kahit saan manggaling, Western o Eastern.

Pang-16 taon nang starter si James, record na sa NBA. Dahil 16-time All-Star na siya, pangatlo na si LeBron sa all-time appearance list sa likod nina Kareem Abdul-Jabbar (19) at Kobe Bryant (18).

Tumanggap si James ng 6,275,459 fan votes naungusan si Doncic sa West captain spot ng 163,724 votes. Sa tatlong taon na ginamit ang ganitong format, hindi nagpasingit si James bilang captain ng isang team. Tinalo ng Team LeBron ang Team Giannis noong isang taon, pinasadsad din ng Team LeBron ang Team Curry noong 2018.

Nakalikom si ­Antetokounmpo ng 5,902,286 votes para manguna sa East. Halos kalahati ng boto niya sa likod si Embiid (3.1 million).

Katumbas ng fan ballots ang 50 percent, 25 percent sa NBA players at 25 percent pa mula sa media panel sa pagpili ng 10 starters – dalawang­ guards at tatlong forwards mula sa magka­bilang conference.

Sa Jan. 31 ihahayag­ ang reserves ng magka­bila na pipiliin ng coaches.­ (Vladi ­Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More