Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

NBA All-Star Game: LeBron, Durant napiling kapitan

0 124

Muli, team captain ng West si LeBron James ng Lakers, si Kevin Durant ng Nets naman sa East sa All-Star Game sa Feb. 20.

Babalik ng Cleveland si James na sa panglimang sunod na taon ay top vote getter sa kanyang conference.

Sila ni Durant ang mag-da-draft ng players na bubuo sa kani-kanilang roster sa midseason extravaganza.

Starting guard ng West sina Stephen Curry ng Warriors at first-timer Ja Morant ng Grizzlies, sa front court sina Nikola Jokic ng Nuggets at debutant ding si Andrew Wiggins ng Golden State.

Sa East sina DeMar DeRozan ng Bulls at Trae Young ng Hawks sa backcourt, sina Joel Embiid ng 76ers at Giannis Antetokounmpo ng Bucks sa frontcourt.

Ibinase ang selection ng starters mula sa fan ballots (50%), media panel (25%) at players (25%).

Nagsimula ang career ni James sa Cleveland nang i-draft ng Cavaliers bilang No. 1 pick noong 2003. All-Star na siya sa 18th straight time.

Kuwestiyonable kung makakalaro si Durant dahil may iniindang sprained knee ligament. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.