Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

NBA: 16 manlalaro tinamaan ng virus

0 288

SAPOL ng COVID-19 ang 16 na player, ayon kay Commissioner Adam Silver at sa NBA Players Association.

Sa kabila nito, tuloy ang resumption ng 2019-2020 NBA season sa Hulyo 30 sa Disney World sa Florida.

“My ultimate conclusion is that we can’t outrun the virus and that this is what we’re going to be living with for the foreseeable future, which is why we designed the campus the way we did and so that we are — it’s a closed network, and that while it’s not impermeable, we are in essence protected from cases around us,” sabi ni Silver.

“At least that’s the model. For those reasons we’re still very comfortable being in Orlando.”

Hindi pinangalanan ang mga player na positibo sa coronavirus, 302 manlalaro ang sumailalim sa COVID test noong Hunyo 23 at 16 nga rito ang nagpositibo.

Ayon pa kay Commissioner Silver, patuloy ang isasagawa nilang regular testing sa mga manlalaro upang matiyak ang kaligtasan ng bawat isa. (Ferdz Delos Santos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.